Pormal nang niratipikahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na maghahati sa Palawan sa tatlong probinsya.
Nilagdaan ng punong ehekutibo noong Abril 5 ang Republic Act 11259 kung saan ang isla ng Palawan ay mahahati sa tatlo na tatawaging Palawan del Norte, Palawan Oriental at Palawan del Sur.
Ang nasabing batas ay magiging epektibo 15 araw matapos ito mailathala sa Official Gazette.