Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magkakaloob ng cash assistance sa small rice farmers.
Ito ang nakasaad sa Republic Act 11598 o Cash Assistance for Filipino Farmers Act na isinabatas noong December 10, 2021 at isinapubliko lamang ng malakanyang kahapon.
Alinsunod sa naturang batas, ang cash assistance ay ipagkakaloob sa mga magsasaka na mayroong dalawang ektarya pababa ng lupang sinasaka hanggang taong 2024.
Huhugutin ang budget mula sa P10-B rice competitiveness enhancement fund na itinakda naman sa ilalim ng Rice Tariffication Law.