Dapat kapag mas malaki, dapat mas gigil kayo.
Ito ang binigyang diin ni Senador Chiz Escudero sa nagpapatuloy na pagdinig ng senado kaugnay sa pagkakalusot ng halos P6-B halaga ng shabu sa Pilipinas.
Ani Escudero, mas nagiging maingat ang mga taga-NBI o National Bureau of Investigation sa malalaking halaga ng shabu habang patay agad umano kapag gramo lamang ang hawak.
Dagdag pa ng senador, parang masyadong takot umano ang NBI pagdating sa malalaking halaga ng iligal na droga.
Kasabay nito, planong imungkahi ni Escudero ang panukalang batas na magtataas sa anumang binabayaran ng mga importer para matapatan ang nakukuhang tara o payola ng Bureau of Customs (BOC) na aabot umano sa P100-B kada taon.