Nilagdaan na ni US President Donald Trump ang batas kung saan kabilang ang probisyon na nagbabawal sa pagpasok sa Amerika ng mga personalidad na nasa likod ng pagpapakulong kay Senator Leila De Lima.
Kabilang ang nasabing probisyon sa US 2020 budget na nilagdaan ni Trump nuong December 20.
Nakasaad dito na dapat hindi papayagang mabigyan ng US visa para makapasok sa Amerika ang mga nasa likod ng hindi tamang pagkakabilanggo kay Senador Leila de Lima nuong 2017.
Tinukoy sa naturang batas na ang unjust o wrongful detention ang nangyari kay De Lima at maituturing itong gross violation of human rights.
Nuong December 17, una nang tinukoy ni De Lima ang inisyal na listahan na ng mga nagpaaresto at nagpakulong sa kanya kabilang sina: Pangulong Rodrigo Duterte; Presidential Spokesman Salvador Panelo; dating House Speaker Pantaleon Alvarez; dating DOJ Secretary Vitaliano Aguirre; Solicitor General Jose Calida; PAO Chief Persida Acosta; Sandra Cam; Dante Jimenez; Rep. Rey Umali, dating Rep. Rudy Farinas, Mocha Uson, online personalities sass Rogando Sasot at RJ Nieto.
Ang naturang probisyon ay isinulong nina Democrats Senators Dik durbin at Patrick Leahy na naipasa sa US Senate Appropriations Committee nuong Setyembre.