Isinusulong ngayon sa mababang kapulungan ng Kongreso ang batas na nagbabawal sa pagparada ng mga sasakyan sa mga bangketa
Ito’y ayon sa House Bill 2561 ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ay upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan
Nakasaad sa nasabing panukala ang pagbabawal sa anumang uri ng sasakyan na magparada sa bangketa ng mga secondary roads upang manatili itong bukas sa mga motorista
Sakaling maging batas, papatawan ng mula isa hanggang Sampung libong Piso ang multa sa sinumang lalabag
Mapupunta naman sa lokal na pamahalaan kung saan nahuli ang isang motorista ang mga makokolektang multa
By: Jaymark Dagala / (Reporter No.7 ) Jill Resontoc