Tiniyak ng mga Senador na may tamang safeguards ang nilagdaang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbibigay kapangyarihan sa dalawang mataas na opisyal ng pambansang pulisya na magpalabas ng subpoena.
Ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto, malaki aniya ang maitutulong ng Republic Act 10973 para sa paggulong ng imbestigasyon lalo na’t mayruong kaugnayan sa iligal na droga.
Sa ilalim kasi ng nasabing batas, pinapayagan nang magpalabas ng subpoena ang PNP Chief gayundin ang direktor at deputy director ng Criminal Investigation and Detection group (CIDG).
Sa panig naman ni Senador JV Ejercito, posible rin aniyang maging daan ang nasabing batas upang mabawasan na ang bilang ng mga sinasabing paglabag sa karapatang pantao na madalas na ibinabato sa mga awtoridad.