Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naglalayong paghusayin ang kalidad ng edukasyon ng mga guro sa bansa.
Ito’y matapos aprubahan ng punong ehekutibo ang Republic Act No. 11713 na nagtatatag ng scholarship program para sa mga estudyante na nais maging guro.
Maliban dito, pinahusay rin ng naturang batas ang Teacher Education Council (TEC).
Nakasaad sa naturang batas na palalakasin ng gobyerno ang kalidad ng edukasyon at pagsasanay ng mga guro sa pamamagitan ng nasabing scholarship program.
Bukod dito, pangungunahan ng TEC ang mga guro, school leaders sa buong bansa na nais maipagpatuloy ang kanilang graduate degree programs.
Sa ilalim din ng batas na ito ay minamandato ang pagtatalaga ng hindi bababa sa 1 Teacher Education Institution (TEI) Commission On Higher Education-Recognized Schools na nag-aalok ng mga teacher education degree programs gaya ng center of excellence in special needs education sa ilang lugar sa bansa.