Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa senado ang panukalang nagtataas sa buwanang pensyon para sa mga miyembro ng Social Security System o SSS.
Tanging si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile lamang ang bumoto kontra sa nasabing panukala habang walang nag-abstain at 15 senador ang bumoto para rito.
Paliwanag ni Enrile, hindi naman daragdagan ang buwanang kontribusyon ng mga miyembro kaya’t tiyak na muubos ang pondo ng SSS kung itataas ang pension sa mga retiradong miyembro.
Ngunit ayon naman kay Senadora Cynthia Villar na siyang nagsusulong ng panukala, maraming paraan para hindi mangyari ang pangamba ni Enrile tulad ng pagpapahusay sa koleksyon at bigyan ng subsidy ng pamahalaan.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)