Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagpapahintulot sa mga paaralan na payagan ang mga mag-aaral sa pampubliko at pribadong institusyon na kumuha ng pagsusulit kahit hindi pa nakababayad ng matrikula.
Sa botong 237, inaprubahan ng mga mambabatas ang House Bill 6483 o an Act Allowing College Students with Unpaid Tuition and Other School Fees to take the Periodic and Final Examinations on Good Cause and Justifiable Grounds.
Sa ilalim ng panukala, dapat unawain ng mga paaralan ang kalagayan ng mga mag-aaral na maaaring nahaharap sa emergency at iba pang sitwasyon na dahilan ng kanilang kabiguang magbayad.
Samantala, binibigyan naman ng karapatan ang mga eskuwelahan na huwag ibigay ang clearance o transfer credential ng mga estudyante hanggang sa mabayaran nito ang natitirang balanse o pagkakautang. -sa panulat ni Hannah Oledan