Pasado na sa Singapore ang batas na nagpapataw ng parusa sa mga nagpapakalat ng fake news.
Sa ilalim ng bagong batas, ang mga mapapatunayang lumabag dito ay papatawan ng hanggang $735,000 na multa at pagkakakulong ng hanggang 10 taon.
Inatasan din nito ang social media sites tulad ng Facebook at Twitter na maglagay ng warning sa mga posibleng mali o pekeng balita.