Nangako si Senador Bam Aquino sa Senado na mamadaliin nito ang pagpasa ng batas na nagtatakda sa pagbibigay ng libreng WIFI sa mga pampublikong lugar sa bansa
Ito’y makaraang maglabas ng hinaing si Department of Information and Communications Secretary Rodolfo Salalima na nagkakaproblema sila sa pagkuha ng permit mula sa mga lokal na pamahalaan
Sinabi ni Salalima sa pagdinig ng Senado na isang executive order na ang kanilang hihilingin sa Pangulong Rodrigo Duterte upang payagan na ng mga lokal na pamahalaan ang paglalagay ng mga libreng Wifi
Sa kasalukuyan, sinabi ng Senador na apat na panukalang batas hinggil dito ang isinasailalim na nila sa deliberasyon at kanila itong tatapusin sa lalong madaling panahon
By: Jaymark Dagala