Hinamon ng labor group na ALU-TUCP o Associated Labor Union – Trade Union Congress of the Philippines ang pamahalaan na gumawa ng maigting na hakbang laban sa mga mapang-abusong negosyante.
Kasunod na rin ito ng pagpapatupad ng ipinasang TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law na siyang sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon kay Alan Tanjusay, tagapagsalita ng ALU-TUCP, dapat magpatupad ang pamahalaan ng mga batas na magbibigay proteksyon sa mga konsyumer at hindi para protektahan ang mapagsamantalang mga negosyante.
Marami aniyang sinasamantala ang TRAIN para sila’y makapagtaas ng kanilang produkto kahit hindi naman kasama sa mga inaasahang magmamahal bunsod ng pagpapatupad ng nasabing batas.