Mali ang sinusunod na batas ng Commission on Human Rights hinggil sa mga isinasagawang nitong imbestigasyon o pagbatikos sa mga kawani ng gobyerno na lumabag umano sa karapatang pantao.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakasaad sa International Humanitarian Law na kailangang patawan ng parusa hindi lamang ang mga nagkasalang otoridad kundi maging ang mga indibidwal o grupong nakagawa ng krimen.
Kung titingnan anya ang mga kasong dinidinig sa International Criminal Court, mayorya ng mga akusado ay non-state actors o hindi mga kawani ng pamahalaan.
Pahayag ng kalihim, ang dapat na unang imbestigahan ng C.H.R. ay ang mga teroristang naghasik ng kaguluhan sa bansa na nagresulta sa pagtaas ng bilang ng mga biktima ng domestic armed conflicts.