Inaprubahan na sa Senado ang batas sa pagpapaliban ng eleksiyon sa Bangsamoro Autonomous Region o BARMM sa susunod na taon.
Ang naturang panukala ay inaprubahan ng 21 Senador matapos humiling ang BARMM officials na iurong ang araw ng halalan sa kanilang lugar at huwag isabay sa araw ng 2022 national election.
Dahil dito, magkakaroon ng 3 year postponement ang BARMM election na gaganapin naman sa 2025.
Sa ngayon, hinihintay nalang ng BARMM officials ang pirma ni Pangulong Duterte sa naturang panukala.— sa panulat ni Angelica Doctolero