Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naglalayong magtatag ng Davao International Airport Authority (DIAA).
Sa ilalim ng Republic Act 11457, pangangasiwaan ng DIAA ang Francisco Bangoy International Airport gayundin ang pag-upgrade nito.
Kabilang din sa mandato ng DIAA ang ipromote ang air traffic sa Davao bilang sentro ng international trade at turismo sa Mindanao.
Gayundin ang maisulong ang mapabilis ang pag-unlad ng paraan ng transportasyon at komunikasyon sa bansa.
Ang DIAA ay magiging isang corporate body tulad ng Manila International Airport Authority at Cark International Airport Corporation na siyang nangangasiwa ng dalawang malaking paliparan sa Luzon.