Nilagdaan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang Republic Act 108-21 o ang batas na nagbibigay proteksyon sa mga bata tuwing mayroong kalamidad.
Sa ilalim ng bagong batas, inaatasan nito ang Department of Social Welfare and Development o DSWD na gumawa ng comprehensive emergency program para sa mga bata.
Ayon sa Pangulong Aquino, ang mga kabataan ang may pinakananganganib na kalagayan tuwing may kalamidad na dapat tugunan ng pamahalaan.
Sinabi ng Pangulo na ang batas na ito ang magiging basehan ng mga kinauukulan sa paghawak sa mga kalamidad at iba pang emergency situations upang protektahan ang mga bata, buntis at mga inang nagpapasuso.
By Ralph Obina | Aileen Taliping (Patrol 23)
Photo Credit: govph