Isa nang ganap na batas ang tinatawag na medical assisted suicide sa Hawaii matapos na lagdaan ito ni Governor David Ige.
Layunin nito ang bigyan ng pagkakataon ang isang may karamdaman na magpasya kung nais na nitong tapusin ang kanyang paghihirap nang may dignidad at kapayapaan.
Ayon kay Ige, sa kanilang ginawang pagbalangkas sa nasabing batas, kanilang tiniyak na hindi ito maaabuso.
Nakapaloob dito na kinakailangan munang kumpirmahin ng dalawang health care providers ang diagnosis at prognosis ng pasyente.
Dapat din boluntaryo ang gagawing kahilingan ng pasyente at nananatiling may kakayahan itong magpasya para sa kanyang sarili.
Una nang isinabatas ang medical assisted suicide sa mga estado ng California, Colorado, Oregon, Vermont, Washington at District of Columbia sa Amerika.
—-