Lusot na sa ikalawang pagbasa sa kamara ang panukalang nagbibigay ng proteksyon sa mga online seller at shopper sa internet transactions.
Inaprubahan sa pamamagitan ng viva voce o voice voting ang House Bill 004 na layuning magtatag ng electronic commerce na ilalagay sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI).
Magtatayo rin ang E-Commerce Bureau ng registry upang maberepika kung lehitimo ang isang online business.
Inatasan naman ang DTI na mamuno sa paglikha ng e-commerce trustmark o marka upang matiyak ang kaligtasan at seguridad sa internet transactions. – sa panulat ni Jenn Patrolla