Aprubado na sa second reading ng Kamara ang panukalang batas na layuning magpataw ng two-tier excise tax rate sa sigarilyo.
Layunin ng House bill 4144 na ini-akda ni ABS partylist Rep. Eugene de Vera na amyendahan ang RA 10351 o “Sin tax reform act.”
Sa ilalim ng two-tier tax system, magpapataw ng 32 peso tax-per-pack para sa tobacco products na mababa sa ent-retail price na 11 pesos 50 centavos per pack at 36 peso tax-per-pack para sa mga sigarilyong lalampas sa nasabing presyo simula January 1, 2017.
Dahil dito, limang porsyento ang itataas ng presyo ng tobacco products kada taon.
By Drew Nacino