Isinusulong ni Senator Leila de Lima ang pag-amyenda sa batas na may kaugnayan sa mandato ng Public Attorney’s Office o PAO.
Ito, ayon kay De Lima ay upang matiyak na lahat ng mahihirap o walang kakayahang kumuha ng abogado ay mabibigyan ng legal assistance.
Sa isang women’s rights forum sa Quezon City, bananggit ni De Lima na hindi nakakakuha ng legal na tulong mula sa PAO ang mga kaanak ng mga biktima ng drug-related killings.
Isiniwalat pa ni De Lima na tila hindi nasusunod ang mandato ng PAO na dapat tutukan ang mahihirap.
Matatandaang kinuwestiyon ni De Lima si PAO Chief Persida Acosta matapos asistihan ang mga inmate na tumestigo laban sa kanya sa Kamara kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y illegal drug trade sa New Bilibid Prison o NBP.
By Jelbert Perdez