Hihilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kaalyadong mambabatas na magpasa ng batas kaugnay sa national security code.
Ito ay upang matiyak na legal at tuwid na mga mamamayan ang bawat Pilipino, sa harap na rin ng mga ginagawang karahasan at panggugulo ng mga rebeldeng komunista.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi dapat mangamba ang publiko dahil tanging mga kalaban lamang ng estado tulad ng mga NPA o New People’s Army at terorista ang natatakot sa nasabing batas.
Iginiit pa ng Pangulo na iisa lamang ang gobyerno na nagpapatupad ng pagbubuwis sa bansa kaya maituturing na extortion ang ginagawa ng mga rebelde na panghihingi ng mga revolutionary tax.