Pinarerepaso ni Sen. Sherwin Gatchalian ang batas ukol sa K to 12 Program.
Ito’y sa harap ng sinasabing patuloy na pagbagsak ng kalidad ng edukasyon mula nuong ipatupad ang nasabing prorama.
Ayon kay Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Education, nakalulungkot mang tanggapin pero bagsak ang marka ng mismong sistema ng basic education sa bansa – bago pa man nagkaroon ng pandemya at lalo pa itong lumala ngayong walang face-to-face classes.
Sa pag-repaso sa K to 12 program, sinabi ni Gatchalian na kabilang sa kailangang pag-aralan ang polisiya sa paggamit ng mother tongue sa pagtuturo, ang congestion ng curriculum at ang pagpapataas ng kalidad ng edukasyon at training ng mga guro. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)