Bitin ang Work from Home Law o Telecommuting Act.
Ayon ito kay Labor Secretary Silvestre Bello III dahil hindi mandatory ang nasabing batas.
Sinabi sa DWIZ ni Bello na naka-depende pa rin sa employer kung papayagan ang mga empleyado nitong mag trabaho sa kani-kanilang mga bahay.
“Hindi naman mandatory eh, voluntary, ibig sabihin kung halimbawa ang manggagawa gusto niya sabi niya “Sir, puwede ba dito na lang ako sa bahay tutal ang magagawa ko sa opisina ay magagawa ko rin sa bahay.” Kapag sinabi ng employer na okay, e di tuloy ‘yan pero kapag sinabi ng employer na, “Ay gusto ko andito ka lang sa opisina para natitiyak ko na kapag kailangan namin ang serbisyo mo ay andiyan ka.” Eh hindi ma-implement ‘yang telecommuting bill na ‘yan.” Pahayag ni Bello
Gayunman, tiwala si Bello na mabubusisi muli ng mga mambabatas ang Telecommuting Act para sundin na ito ng lahat ng employer.
“Pero sana later on Congress should study the possibility of making it mandatory, in other words if the worker says “it’s better I work at home, I will deliver better, it will also provide better working condition for me, I will avoid traffic and additional expenses”, then magiging makabuluhan ang batas na ‘yan.” Dagdag ni Bello
(Balitang Todong Lakas Interview)