Sinimulan nang isailalim sa lockdown ang Batasang Pambansa para sa huling Sate Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte na gaganapin sa Hulyo 26, araw ng Lunes.
Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, inaayos at sine-set-up na ang mga kakailanganin para handa na ang lahat sa araw ng SONA.
Dagdag ni Mendoza, nasa 300 lamang ang pinapayagang dumalo sa SONA ng Pangulo.
Bukod dito, bubuksan rin ang plenaryo para sa 60 bisita habang ang iba naman ay sa first and second gallery pupwesto kung saan ipatutupad ang 2-seat apart distancing.
Aniya, nasa mahigit 100 kongressman at 10 senador na ang kumpirmadong dadalo nang pisikal sa SONA.
Sinabi rin ni Mendoza na tanging mga fully vaccinated na indibidwal lang ang papayagang dumalo sa naturang SONA.