Makabubuting isapubliko ang mga report o impormasyong ibinigay ng mga security official sa isinagawang briefing na ginagamit na batayan sa isinusulong na Martial Law Extension sa Mindanao.
Ayon kay Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, mas magandang ipabatid sa publiko ang mga impormasyon na hindi naman sensitibo o delikado upang makapag-desisyon at madetermina ng taumbayan kung makatuwirang palawigin ang batas militar.
Magandang bukas anya ang gobyerno sa pagbabahagi ng mga mahalaga at beripikadong impormasyon upang malaman ng mga mamamayan ang naka-ambang panganib.
Iginiit ni Recto na wala namang kaakibat na peligro ang pagsisiwalat ng mga mahalagang impormasyon kung hindi isasama ang mga sensitibong impormasyon.
Dagdag pa ng mambabatas, ang tamang impormasyon ang mabisang gamot upang maiwasan ang takot.
By: Drew Nacino / Cely Bueno
Batayan sa pagsusulong ML extension dapat umanong isapubliko was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882