Sumakabilang buhay na ang batikang host ng CNN na si Larry King sa edad na 87.
Ito ang kinumpirma ng anak ng brodkaster nitong Sabado ng umaga.
Matatandaang nag-host ng programa si King sa CNN sa loob ng 25 taon na may program name na ‘ Larry King Live’
Samantala, hindi naman kinumpirma ng pamilya nito ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng host subalit nauna nang napaulat sa mga reports na dinapuan ito ng coronavirus disease (COVID-19).—sa panulat ni Agustina Nolasco.