Sumakabilang buhay na ang kilalang fashion designer na si Arielle Agasang sa edad na 51 nitong Abril 2 dahil sa atake sa puso.
Ayon kay Kevin Matnog, pamangkin ni Agasang , labis silang nagdadalamhati at hindi makapaniwala sa pagpanaw ng tiyuhin.
Salaysay nito, dead on arrival na nang dalhin sa Lung Center of the Philippines nitong Huwebes si Agasang at inaming may sakit na ito sa coronary.
Si Agasang ay kilala sa mga likha nitong haute couture o mga disenyo ng kasuotang likha ng sarili niyang kamay na ginagamitan ng mga mamahaling tela’t materyales at detalyadong mga disenyo. —sa panulat ni Agustina Nolasco