Dalawang linggo bago magtapos ang termino, muling pinanindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang giyera kontra droga ng Gobyerno.
Itinanggi rin ni Pangulong Duterte na nagkaroon ng Extra-Judicial Killings sa kampanya laban sa Illegal drugs, taliwas sa iginigiit ng isang dating Supreme Court Justice na lumaganap ang EJK.
Dahil dito, sinupalpal ng Punong Ehekutibo ang dating mahistrado na hindi naman niya pinangalanan.
Tila iba anya ang binasang libro o iba ang pagkaka-intindi ng retiradong S.C. Justice na kanya ring kababayan sa Davao City.
Nagpatutsada rin si Pangulong Duterte na hindi naman lahat ng nabasa ng dating mahistrado sa aklat ay akma sa reyalidad, lalo ang Criminal Law maging ang konstitusyon.