Muling ipinagtanggol ng Malakanyang ang panibagong batikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa simbahang katolika.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nais lamang subukan ni Pangulong Duterte ang katotohanan ng mga church ritual nang tawagin niyang “kalokohan” ang doktrina ng holy trinity o santisima trinidad.
Isa anyang uri ng pangangalampag ang batikos ng punong ehekutibo sa mga religious belief ng mga kristyano.
Ipinunto ni Panelo na sa halip umalma sa mga batikos ni Pangulong Duterte, dapat itong tanggapin ng simbahang katolika at mga katoliko upang mapalakas lalo ang kanilang pananampalataya.
Magugunitang inihayag ng pangulo noong December 29 na hindi maaaring hatiin ng diyos ang kanyang sarili sa tatlo o ama, anak at espiritu santo.