Pormal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Dating PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa at Dating AFP Chief of Staff Rey Leonardo Guerrero sa kani-kanilang bagong posisyon.
Inilagay ng Pangulo si Dela Rosa bilang bagong director general ng Bureau of Corrections o BuCor habang sa MARINA o Maritime Industry Authority naman inilagay si Guerrero.
Dahil co-terminus ang mga naturang posisyon, kapwa matatapos ang panunungkulan ng dalawa sa taong 2022 kasabay ng pagtatapos din ng termino ni Pangulong Duterte.
Samantala, itinalaga rin ng pangulo si Retired PNP Official Valfrie Tabian bilang deputy director ni Bato sa BuCor.