Handang buksan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald dela Rosa ang pintuan ng Camp Crame sa mga kalaban ng PNP para makasalo sa Pasko.
Sinabi ni Dela Rosa na hindi niya ipapaaresto ang mga masasamang tao na nais maki-Pasko sa Crame, basta’t huwag lang gagawa ng anumang iligal ang mga ito sa loob ng kampo.
Umaasa si Dela Rosa na magbabago ang mga ito kapag nakasama ng PNP sa salo-salo sa Pasko.
By Katrina Valle | Jonathan Andal (Patrol 31)