Tiwala si dating PNP Chief at ngayo’y Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na hindi magagamit na vigilante group ang mga anti-crime volunteer na nais armasan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Dela Rosa, hindi naman gagamitin ng pulisya ang mga civilian volunteer para tugisin ang mga kriminal bagkus, magiging katuwang lamang sila sa pagpapaigting ng information gathering.
Una nang sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na hindi kailangang armasan ang mga civilian volunteer dahil posibleng maging daan ito sa pang-aabuso.
Pero ayon kay dela rosa, kailangangan lamang ng PNP ay may makakatuwang ito sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.—Ulat mula kay Patrol 19 Cely Ortega-Bueno