Kuntento si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa sa halos 6 na buwang kampanya kontra droga ng Duterte Administration.
Ayon kay Dela Rosa, batay sa kanyang assessment nasa 80% na ang nababawas nila sa suplay ng droga sa bansa dahil ito sa mga naaresto at mga napapatay na mga drug lord at drug pusher.
Sa kabilang banda nasa 60% to 65% naman ang kanilang tagumpay sa pagbawas sa demand ng droga o yung mga drug dependent na bumibili o naghahanap ng bawal na gamot.
Hindi naman maipangako ni General Bato na wala nang mangyayaring patayan sa mga susunod na buwan ng gyera kontra droga sa misyon nilang maabot ang halos 100% ng pagsugo ng bawal na gamot sa bansa.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal