Eksaktong 100 araw matapos maupo sa Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte, umabot na sa 1,532 ang bilang ng mga drug suspects na napatay ng mga pulis sa mga lehitimong operasyon.
Katumbas ito ng 15 kataong napapatay araw-araw.
Nasa 26,800 naman ang mga naarestong drug suspect.
Aabot sa 736,000 ang mga sumukong drug user at pusher at 1.7 na milyong kabahayan ang kinatok sa ilalim ng Oplan Tokhang.
Sa giyera kontra droga, nagtamo din ng casualties ang panig ng gobyerno.
Labing tatlong (13) pulis at 3 sundalo ang napatay sa mga anti-drug operations habang nasa 48 naman ang nasugatan.
Ayon kay PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa, matapos ang 100 araw, nananalo na sila sa giyera kontra droga.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Ronald dela Rosa
By Jonathan Andal (Patrol 31)