Nagbabala si incoming Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa lahat ng mga sangkot sa iligal na droga.
Sinabi ni dela Rosa, walang sasantuhin ang PNP sa kanilang gagawing paglilinis sa illegal drugs at krimen sa bansa alinsunod sa marching order ni incoming President Rodrigo Duterte.
Bahagi ng pahayag ni incoming PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa
Sa kabila ng mas pinatinding kampanya laban sa droga, siniguro ni dela Rosa na hindi malalabag ang karapatang pantao ng bawat Pilipino.
Bahagi ng pahayag ni incoming PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa
Target list
Kinumpirma ni incoming PNP Chief Ronald dela ROSA ang hawak na listahan ng mga tutugising drug lords at iba pang sangkot sa iligal na operasyon ng droga.
Sinabi sa DWIZ ni dela Rosa na marami pang impormasyong dumarating sa kanila hinggil sa mga sangkot sa illegal drugs operations subalit kailangan pa aniyang i-validate ang mga ito.
Bahagi ng pahayag ni incoming PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa
Ibinunyag ni dela Rosa na maraming kilalang personalidad ang nasa hawak nilang listahan ng mga sangkot sa illegal drugs.
Bahagi ng pahayag ni incoming PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa
3-6 months crime deadline
Kasabay nito, inamin ng incoming PNP Chief na mabigat ang utos ni President-elect Rodrigo Duterte na solusyunan ang krimen sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.
Gayunman sinabi nitong sapat na rin ang nasabing panahon para maresolba ang krimen sa pagtutulungan ng mga awtoridad at publiko.
Bahagi ng pahayag ni incoming PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa
By Rianne Briones | Judith Larino | Ratsada Balita