Pinagana na ng Philippine National Police (PNP) ang Text Bato textline 2286.
Pinangunahan ni PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang paglulunsad ng nasabing textline na tinaguriang “Itaga Mo Sa Bato” App kasama ang mga kinatawan mula sa Globe at Smart.
Sinabi ni Dela Rosa na maaaring isumbong sa 2286 ang anumang krimen, katiwalian at kahit pa paghingi ng tulong sa mga aksidente at kaagad nila itong aaksyunan.
Aabot sa P2.50 ang bayad sa kada text subalit libre ito kung idadaan sa itaga mo sa Bato App na maaaring ma-download sa android at IOS phone.
Nanghihinayang naman si Bato na hindi kaagad naikasa ang nasabing text hotline bago nangyari ang pagsabog sa Davao City.
By Judith Larino | Jonathan Andal (Patrol 31)