Umalma si PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa sa akusasyon ng simbahang katoliko na sila ang nasa likod ng lahat ng mga kaso ng pagpatay na kung ituring ay extra judicial killings.
Ito’y matapos ipaskil sa Baclaran Church ang litrato ng mga biktima ng EJK.
Ayon kay PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa, hindi tama na iugnay ang PNP sa lahat ng mga kaso ng pagpatay.
Hindi anya ito makatarungan sa mas nakararaming pulis na matitino na gumagawa lang ng kanilang trabaho.
Giit ni General Bato, masusi na nilang iniimbestigahan ang mga kaso ng DUI o Death Under Investigation.
Kung magkabaligtad naman raw ng sitwasyon, tiyak anya na hindi rin magugustuhan ng simbahan kung isisi sa kanila ang mga individual na kaso ng mga pare.
Ito ay ang mga kasong rape at pag girlfriend o asawa sa mga kasamahang babae sa kumbento.
Gawain lang kasi anya ito ng ilan at hindi ng buong simbahan.
Giit ni Bato, ganito rin ang sitwasyon sa PNP.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal