Hindi pa isinasara ng Philippine National Police (PNP) ang kaso ng pagpatay kay Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe.
Ito ay kahit pa naaresto na kahapon ang itinuturong utak ng krimen na si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PNP Spokesman Senior Superintendent Bernard Banac na patuloy ang pangangalap nila ng ebidensya at impormasyon sa pagpatay sa mambabatas.
“Ang sinasabi natin dito ay resolved but not yet closed, patuloy pa rin ang pangangalap natin ng ibang impormasyon na puwedeng maihabol na related sa kaso, patuloy pa rin ang pagmamanman ng ating task force.” Ani Banac
Sa usapin naman ng reward, sinabi ni Banac na pinag-aaralan na ng mga awtoridad ang mga indibiduwal na dapat pagkalooban nito.
“Kailangan maging sigurado tayo sa pagbibigay ng reward, dapat may pag-aaral kung sino ang dapat na bibigyan at kugn anong halaga ang ibibigay. Ito’y isang collective decision, meron ‘yang binuo na technical working group na siyang magde-determina kung magkano at kung sinmo ang bibigyan njg halaga.” Pahayag ni Batocabe
—-