Nakakahiya na ang Pilipinas dahil sa girian o batuhan ng putik ng mga mambabatas dahil sa kaliwa’t kanang pagdinig na ikinakasa sa kongreso.
Sinabi ni Isabela Governor Rodito Albano III sa DWIZ, na dapat maging matalino ang mga senador at kongresista sa mga binibitawang salita lalo na’t may masamang epekto ito sa mga Pilipino.
Dapat tigilan na anya ng mga mambabatas ang sulsulan sa kongreso upang hindi na lumalala pa ang isyu.