Posibleng ma-impeach sina Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista at Commissioner Rowena Guanzon kapag tuluyang nasira ang kredibilidad ng komisyon sa kanilang bangayan.
Ito ang banta ni Ako-Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe kaya nararapat umano na magkasundo na ang mga ito para maisalba ang kredibilidad ng komisyon lalo na’t paparating na ang eleksyon.
Base sa batas, maliban sa pagbibitiw sa puwesto, tanging sa impeachment lamang puwedeng tanggalin sa kanilang posisyon ang chairman at commissioner ng COMELEC.
Nag-ugat ang away nina Bautista at Guanzon nang isumite ng huli ang kanilang komento sa disqualification case ni Senator Grace Poe sa Korte Suprema kahit walang lagda ang Chairman.
By Mariboy Ysibido