Binuweltahan ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andy Bautista ang tatlong commissioners na nagbantang magbo-boycott sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ipinahiwatig ni Bautista na kaya nilang patakbuhin ang SK at barangay elections kahit na wala ang tatlong commissioners na sina Commissioners Louie Tito Guia, Christian Robert Lim at Rowena Guanzon.
Binigyang diin ni Guanzon na pawang magagaling at may kapabilidad ang senior staff ng COMELEC na patakbuhin ang eleksyon.
Tinawag ring unprofessional ni Bautista ang planong boycott nina Lim, Guia at Guanzon.
Gayunman, sinabi ni Bautista na kakausapin niya sina Guia at Lim upang alamin kung tama ang mga lumalabas sa mga balita.
By Len Aguirre