Ipinako-contempt at ipinaaresto na ng Senate Committee on Banks si Dating COMELEC Chairman Andy Bautista.
Ito ay matapos na muling mabigo sa ikatalong pagkakataon si Bautista na dumalo sa imbestigasyon ng senado kaugnay ng mahigit tatlumpong (30) bank accounts nito sa Luzon Development Bank sa kabila na rin ito ng ipinalabas na subpoena laban sa kanya.
Ayon kay Senador Chiz Escudero, Chairman ng Senate Committee on Banks, hindi nila tinanggap ang paliwanag ni Bautista sa pamamagitan ng ipinadala nitong sulat.
Sinabi ni Escudero, hindi rin nila matiyak kung nagsasabi ng totoo si Bautista dahil wala sa kanilang nakuhang record mula sa Bureau of Immigration ang umano’y pag-aalis nito noong Nobyembre 21 ng nakaraang taon.
Dagdag ni Escudero, kanya na agad hihilingin kay Senate President Koko Pimentel na magpalabas na ng warrant of arrest.
“I’m sure he’s the lawyer of a good caliber. Nilagay niya na katulad lamang doon na narinig niya sa newspaper report. Hindi ba sila nag uusap ng kapatid niya? Wala ba siyang pinadalang kinatawan dito? Palibhasa ayaw niyang masaklaw ng jursidiction ng komiteng ito.”
(Ulat ni Cely Ortega- Bueno)