Mariing itinanggi ni COMELEC o Commission on Elections Chairman Andres Bautista ang akusasyong may tinanggap itong komisyon sa 2016 elections.
Ito ay matapos isiwalat ng asawa ni Bautista na si Patricia na kabilang sa mga nakuha nitong dokumento ay voucher mula sa kumpanyang Smartmatic, ang private contractor na nagsuplay ng automated election system para sa 2010, 2013 at 2016 national elections.
Ayon kay Bautista, ni isang kusing ay wala aniya siyang tinanggap na komisyon mula sa halalan.
Binigyang diin ni Bautista na layon lamang ng naturang alegasyon na mabahiran di lamang siya kundi maging ang resulta ng nagdaang 2016 elections.
By Ralph Obina