Kinontra ng Commission on Elections (COMELEC) ang binitiwang pahayag ng dating Chairman ng poll body at veteran election lawyer Sixto Brillantes hinggil sa isyu ng disqualification case ni Senador Grace Poe.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni COMELEC Chairman Andy Bautista na mayroon silang hurisdiksyon sa naturang usapin.
Nauna nang inihayag ni Brillantes na wala umanong kapangyarihan ang COMELEC na magdetermina kung kuwalipikado si Poe na tumakbo sa 2016 presidential elections.
Ayon kay Brillantes, tanging ang Presidential Electoral Tribunal o PET ang sole judge sa mga kuwestyon sa citizenship at residency issue ni Poe.
“With all due respect to former Chairman Brillantes, hindi ata tama yung sinasabi nya, kasi yung jurisdiction ng Presidential Electoral Tribunal ay mangyayari lang pagkatapos ng halalan. Mayroong jurisdiction ang COMELEC na magbigay ng pasya kung sa tingin nila ang isang kandidato ay kwalipikado na tumakbo,” Paliwanag ni Bautista.
By Meann Tanbio | Ratsada Balita