Inirekomenda ng NPC o National Privacy Commission na kasuhan ng kasong kriminal si Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista dahil sa tinaguriang “Comeleak”.
Ayon kay NPC Commissioner Raymond Liboro, base sa 35-pahinang desisyon ng komisyon, lumalabas na nilabag ng COMELEC ang Sections 11, 20 at 21 ng Republic Act Number 10173 o Data Privacy Act of 2013.
Nabigo umano si Bautista na magpatupad ng cybersecurity measures makaraang kumalat ang personal na impormasyon ng mga botante.
Matatandaang noong March 27, 2016, na-hack ang website ng COMELEC kung saan nanakaw ang voter data base ng komisyon.
By Meann Tanbio