Hindi uubrang maging substitute si Movie Queen Susan Roces sakaling ma-disqualify sa kanyang kandidatura sa pagka-pangulo si Senadora Grace Poe.
Sinabi sa DWIZ ni Commission on Elections Chairman Andy Bautista na malinaw ang nakasaad sa panuntunan ng komisyon na ang substitution ay para lamang sa mga kandidatong hinirang ng partido.
Hindi aniya maaaring i-substitute ang isang independent candidate.
Sa aking palagay, maliwanag sa mga reglamento ng COMELEC na yung withdrawal and substitution ay pwede lang mangyari kapag ikaw ay hinirang ng isang registered political party,” paliwanag ni Bautista.
By: Aileen Taliping (patrol 23)