Ipinaalala ng CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines na bawal ang paggamit ng drones at UAV o Unmanned Aircraft Vehicle sa panahon ng pagdaraos ng 31st ASEAN Summit.
Sinabihan ng CAAP ang mga operator at hobbyists na maghihigpit sila sa pagpapatupad ng no fly zone mula November 9 hanggang 17 sa Maynila at Clark sa lalawigan ng Pampanga.
Kaugnay nito nag isyu na ang CAAP ng NOTAM o Notice to Airmen na bawal ang drone operations mula November 9 sa sakop na 40 nautical miles radius centered sa Luneta Park at NOTAM, 40 nautical miles radius centered sa Clark DVOR.
Sa ilalim ng probisyon ng PCAR o Philippine Civil Aviation Regulations ang mga operator na lalabag sa rules od memorandum ay papatawan ng multang mula tatlong daan hanggang limandaang libong Piso depende sa level ng paglabag sa nasabing kautusan.