Isang magandang balita ang ating napakinggan na batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na bumaba na ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom.
Batay sa resulta, nasa dalawa punto walong milyong pamilyang Pinoy o 12.7 percent ang minsan na lamang nakararanas ng gutom.
Base ito sa resulta noong Mayo 2005, na nasa tatlong milyong Pamilyang Pilipino ang nagugutom.
Siyempre ipinagmamalaki ito ng Aquino Administration dahil sa mga ginagawa nilang pagsisikap na mabigayn ng sapat na makain an gating mga kababayan.
Kaya naman huwag na nating ipagdamot pa ang magandang balitang ito sa ating Pangulong Noynoy Aquino, na nagsumikap na pababain ang bilang ng mga Pinoy na kumakalam ang kanilang sikmura.
Pero tayo ay umaasa na sa naturang bilang ay tuluyan nang marating natin ang kawalan ng taong nagugutom, pero iyan ay suntok sa buwan marahil.
Bakit kanyo, dahil saan mo mang ipaning ay inyong tingin, nariyan pa rin ang mga nanlilimos at naghuhukay sa mga basurahan upang makalikom lamang ng makakain.
Tandaan natin na meron pa rin tayong mga kababayan na kumakain ng mga tira-tira, o yaong tinatawag na “pagpag”.
Naka-aawa tingnan ang ganitong eksena sa buhay ng ating mga kababayan pero hindi nila ito alintana dahil ang kanilang hangarin lamang ay makakain at makalimutan ang gutom kahit ito pa ay galing sa tira-tirang pagkain.
Kaya ito ang madalas kong paalala sa aking mga anak, na tayo ay mapalad na may pagkain sa ating hapag kainan, kaya mas maiging bago mo isubo ang pagkain ay magdasal at magpasalamat sa biyayang hatid sa ating pamilya.
Bukod sa pagpapasalamat, ay lagi kong ipinaalala sa kanila na huwag mag-aksaya ng pagkain hangga’t maari at laging isipin na marami sa ating mga kababayan ang walang makakain.
Importante ang pagkain sa buhay ng tao dahil kapag kumakalam ang sikmura ng isang tao, diyan siya nakagagawa ng masama lalo na ang mga kriminal.
Kaya hiling natin sa gobyerno, bagamat tayo ay nagpapasalamt at nabawasan ang mga nagugutom, pero dapat sigurong unahin natin ang pagbigay ng kabuhayan sa mga tao upang matuto silang maging sufficient at hindi sila umaasa sa bigay at limos.
Ika nga sa kasabihan, turuan mo ang isang tao na mamingwit o mangisda at huwag mo silang bigyan lamang ng pagkain o isda, para matuto silang maging masipag.
Dahil totoo nga ang kasabihan kung isang tao ay tamad, bawal kang kumain.