Inirekomenda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pagbawalan muna ang mga sale sa mall at magsusupinde ng klase sa ilang paaralan dahil sa Southeast Asian (SEA) Games.
Ayon kay MMDA Spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, nagbigay na sila ng rekomendasyon na wala munang gaganaping sales sa lahat ng mall na nasa kahabaan ng EDSA.
Dagdag pa nito, hinihintay pa nila ang pag-apruba ng Malakanyang sa kanilang ipinasang rekomendasyon ng class suspension sa pitong paaralan malapit sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.
Magsisimula na aniya sa susunod na linggo ang ilang SEA Games related events katulad ng send-off ng mga atleta at opening ceremony rehearsal.
Gaganapin ang SEA Games sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan na magsisimula sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 ngayong taon.