Bawal na sa mga tanggapan ng gobyerno ang mahabang pila ng publiko na mayroong transaksiyon at naghihintay ng mga dokumento.
Ito ang inihayag ni Incoming President Rodrigo Duterte matapos ianunsiyo ang magiging miyembro ng kanyang gabinete.
Ayon kay Duterte, aatasan niya ang lahat ng kawani at opisyal ng gobyerno na tapusin sa loob ng Tatlong araw ang lahat ng transaksiyon dahil ayaw niyang nakikitang mayroong mahabang mga pila.
Kapag, aniya, nabigo ang isang ahensiya na matapos ang transaksyon o maibigay ang kailangang dokumento, susulat ito sa kanya upang ipaliwanag kung ano ang dahilan kung bakit hindi ito nagawa.
Binigyang-diin ng bagong Pangulo na ayaw niyang makarinig ng reklamo mula sa mga tao, kaya’t dapat tularan ang kanilang sistema sa Davao na bibigyan ng Stub ang mga ito at balikan na lamang pagdating ng Tatlong araw.
Dapat aniyang pag-aralan ang workload ng mga computer para magamit nang husto ito sa pagseserbisiyo sa halip na gamitin lamang sa paglalaro .
Sinabi ni Duterte na ayaw niyang nakikitang gumagastos ang mga tao nang hindi nasusuklian ng tamang serbisyo ng gobyerno.
By: Avee Devierte